Jeremias 6:24
Ang Biblia (1978)
24 Aming narinig ang balita niyaon; ang aming mga kamay ay nanganghihina: kahirapan ay (A)humawak sa amin, at hirap na gaya ng sa isang babae sa pagdaramdam.
Read full chapter
Jeremias 50:41-43
Ang Biblia (1978)
41 Narito, isang bayan ay dumarating na (A)mula sa hilagaan; at isang malaking bansa, at maraming hari ay mangahihikayat mula sa kaduluduluhang bahagi ng lupa.
42 Kanilang iniaakma ang busog at ang sibat; sila'y mababagsik, at walang awa; ang kanilang tinig ay humuhugong na parang dagat, at sila'y nagsisisakay sa mga kabayo, bawa't isa ay humahanay na parang lalake sa pakikipagbaka, laban sa iyo, Oh anak na babae ng Babilonia.
43 Nabalitaan ng hari sa Babilonia ang kabantugan nila, at ang kaniyang mga kamay ay nanghihina: pagdadalamhati ay humawak sa kaniya, at paghihirap na gaya ng sa isang babae sa pagdaramdam.
Read full chapterAng Biblia Copyright © Philippine Bible Society 1905, 1915, 1933, 1978