Jeremias 16:4-6
Ang Biblia (1978)
4 Sila'y mangamamatay ng mga mabigat na (A)pagkamatay: (B)hindi sila pananaghuyan, o ililibing man sila; sila'y magiging (C)parang dumi sa ibabaw ng lupa; at sila'y mangalilipol (D)ng tabak, at ng kagutom; at (E)ang kanilang mga bangkay ay magiging pinakapagkain sa mga ibon sa himpapawid, at sa mga hayop sa lupa.
5 Sapagka't ganito ang sabi ng Panginoon, (F)Huwag kang pumasok sa bahay na may tangisan, o pumaroon man upang tumaghoy, o manangis man sa mga yaon; sapagka't aking inalis ang kapayapaan ko sa bayang ito, sabi ng Panginoon, ang kagandahang-loob at mga malumanay na kaawaan.
6 Ang malaki at gayon din ang maliit ay mangamamatay sa lupaing ito; (G)sila'y hindi mangalilibing, o tataghuyan man sila ng mga tao, (H)o magkukudlit man (I)o mangagpapakakalbo man dahil sa kanila;
Read full chapterAng Biblia Copyright © Philippine Bible Society 1905, 1915, 1933, 1978