Isaias 61:1
Ang Biblia (1978)
Ang pagkakataas ng mga nagbabata.
61 Ang (A)Espiritu ng Panginoong Dios ay sumasa akin; (B)sapagka't pinahiran ako ng Panginoon upang (C)ipangaral ang mabubuting balita sa mga (D)maamo; kaniyang sinugo ako upang (E)magpagaling ng mga bagbag na puso, (F)upang magtanyag ng kalayaan sa mga bihag, at magbukas ng bilangguan sa nangabibilanggo;
Read full chapter
Isaias 63:4
Ang Biblia (1978)
4 Sapagka't ang kaarawan (A)ng panghihiganti ay nasa aking puso, at ang taon ng (B)aking mga tinubos ay dumating.
Read full chapter
Jeremias 34:8
Ang Biblia (1978)
Ang pagsuway sa pananampalataya tungkol sa mga aliping Hebreo.
8 Ang salita na dumating kay Jeremias na mula sa Panginoon, pagkatapos na makipagtipan ang haring Sedechias, sa buong bayan na nasa Jerusalem (A)upang magtanyag ng kalayaan sa kanila;
Read full chapter
Jeremias 34:15
Ang Biblia (1978)
15 At ngayo'y nanumbalik kayo, at nagsigawa ng matuwid sa aking mga mata sa pagtatanyag ng kalayaan ng bawa't tao sa kaniyang kapuwa; at kayo'y (A)nakipagtipan sa harap ko sa bahay na tinawag sa aking pangalan:
Read full chapter
Jeremias 34:17
Ang Biblia (1978)
17 Kaya't ganito ang sabi ng Panginoon, Kayo'y hindi nangakinig sa akin, na magtanyag ng kalayaan bawa't isa sa kaniyang kapatid, at bawa't isa sa kaniyang kapuwa: (A)narito, ako'y nagtatanyag sa inyo ng kalayaan, sabi ng Panginoon, sa tabak, sa salot, o sa kagutom; at akin kayong ihahagis na paroo't parito sa lahat ng kaharian sa lupa.
Read full chapter
Ezekiel 46:17
Ang Biblia (1978)
17 Nguni't kung ibigay niya (A)ang kaniyang mana na pinakakaloob sa isa sa kaniyang mga alipin, magiging kaniya (B)sa taon ng kalayaan; kung magkagayo'y mababalik sa prinsipe; nguni't tungkol sa kaniyang mana, magiging sa kaniyang mga anak.
Read full chapter
Lucas 4:19
Ang Biblia (1978)
19 Upang itanyag ang kaayaayang taon ng Panginoon.
Ang Biblia Copyright © Philippine Bible Society 1905, 1915, 1933, 1978