Genesis 12:7
Ang Biblia (1978)
7 At napakita ang Panginoon kay Abram, at nagsabi, (A)Sa iyong lahi ay ibibigay ko ang lupaing ito: at siya'y nagtayo roon ng isang dambana sa Panginoon na napakita sa kaniya.
Read full chapter
Genesis 13:15
Ang Biblia (1978)
15 Sapagka't ang buong lupaing iyong natatanaw (A)ay ibibigay ko sa iyo, at sa iyong binhi magpakaylan man.
Read full chapter
Genesis 26:3-4
Ang Biblia (1978)
3 (A)Matira ka sa lupaing ito, (B)at ako'y sasa iyo, at ikaw ay aking pagpapalain; sapagka't sa iyo at sa iyong binhi ay (C)ibibigay ko ang lahat ng lupaing ito, (D)at pagtitibayin ko ang sumpang aking isinumpa kay Abraham na iyong ama;
4 At aking (E)pararamihin ang iyong binhi na gaya ng mga bituin sa langit, at ibibigay ko sa iyong binhi ang lahat ng lupaing ito: (F)at pagpapalain sa iyong binhi ang lahat ng bansa sa lupa;
Read full chapter
Genesis 28:13
Ang Biblia (1978)
13 (A)At, narito, ang Panginoon ay nasa kataastaasan niyaon, at nagsabi, (B)Ako ang Panginoon, ang Dios ni Abraham na iyong ama, at ang Dios ni Isaac: (C)ang lupang kinahihigaan mo ay ibibigay ko sa iyo at sa iyong binhi;
Read full chapterAng Biblia Copyright © Philippine Bible Society 1905, 1915, 1933, 1978