Exodo 34:17
Ang Biblia, 2001
17 “Huwag(A) kang gagawa para sa iyo ng mga diyos na hinulma.”
Read full chapter
Levitico 19:4
Ang Biblia, 2001
4 Huwag(A) kayong babaling sa mga diyus-diyosan, ni huwag kayong gagawa para sa inyong sarili ng mga diyos na inanyuan; ako ang Panginoon ninyong Diyos.
Read full chapter
Levitico 26:1
Ang Biblia, 2001
Pagpapala sa Pagsunod(A)
26 “Huwag(B) kayong gagawa para sa inyo ng mga diyus-diyosan, ni magtatayo kayo ng larawang inanyuan o haliging pinakaalaala, ni huwag kayong maglalagay ng batong inanyuan sa inyong lupain, upang inyong yukuran iyon, sapagkat ako ang Panginoon ninyong Diyos.
Read full chapter
Deuteronomio 4:15-18
Ang Biblia, 2001
Babala Laban sa Pagsamba sa Diyus-diyosan
15 “Kaya't ingatan ninyong mabuti ang inyong sarili. Yamang wala kayong nakitang anumang anyo nang araw na magsalita ang Panginoon sa inyo sa Horeb mula sa gitna ng apoy,
16 baka(A) kayo'y magpakasama, at kayo'y gumawa para sa inyong sarili ng isang larawang inanyuan na kawangis ng alinmang larawan, na katulad ng lalaki o babae,
17 na(B) kahawig ng anumang hayop na nasa lupa, at anumang ibong may pakpak na lumilipad sa himpapawid,
18 na kahawig ng anumang bagay na gumagapang sa lupa, at anumang isda na nasa tubig sa ilalim ng lupa.
Read full chapter
Deuteronomio 27:15
Ang Biblia, 2001
15 “‘Sumpain(A) ang taong gumagawa ng larawang inukit o inanyuan, isang karumaldumal sa Panginoon na gawa ng mga kamay ng manggagawa at lihim na inilagay sa isang dako.’ At ang buong bayan ay sasagot at magsasabi, ‘Amen.’
Read full chapter