Exodo 25:23
Ang Biblia (1978)
23 (A)At gagawa ka ng isang dulang na kahoy na akasia: na may dalawang siko ang haba niyaon, at isang siko ang luwang niyaon, at isang siko't kalahati ang taas niyaon.
Read full chapter
Exodo 25:29-30
Ang Biblia (1978)
29 (A)At gagawa ka ng mga pinggan niyaon, at ng mga kutsara niyaon, at ng mga kopa niyaon, at ng mga tasa niyaon na pagbubuhusan; na iyong gagawing taganas na ginto.
30 At ilalagay mo sa dulang (B)ang tinapay na handog sa harap ko na palagi.
Read full chapter
Exodo 37:16
Ang Biblia (1978)
16 At ginawa niyang taganas na ginto ang mga kasangkapang nasa ibabaw ng dulang, (A)ang mga pinggan niyaon, at ang mga kutsara niyaon, at ang mga tasa niyaon, at ang mga kopa niyaon, na pagbubuhusan.
Read full chapter
Levitico 24:6
Ang Biblia (1978)
6 At ilalagay mong dalawang hanay, anim sa bawa't hanay, (A)sa ibabaw ng dulang na dalisay sa harap ng Panginoon.
Read full chapter
Levitico 24:8
Ang Biblia (1978)
8 (A)Sa bawa't sabbath ay aayusing palagi ang tinapay sa harap ng Panginoon; sa ganang mga anak ni Israel, na pinakatipang walang hanggan.
Read full chapterAng Biblia Copyright © Philippine Bible Society 1905, 1915, 1933, 1978