Daniel 2:44
Ang Biblia (1978)
44 At sa mga kaarawan ng mga haring yaon ay maglalagay ang Dios sa langit ng (A)isang kaharian, na hindi magigiba kailan man, o ang kapangyarihan man niyao'y iiwan sa ibang bayan; kundi pagpuputolputulin at lilipulin niya ang lahat na kahariang ito, at yao'y lalagi magpakailan man.
Read full chapter
Mateo 4:17
Ang Biblia (1978)
17 Mula noon ay nagpasimulang mangaral si Jesus, at magsabi, Mangagsisi kayo; sapagka't malapit na ang kaharian ng langit.
Read full chapter
Mateo 5:10
Ang Biblia (1978)
10 Mapapalad (A)ang mga pinaguusig dahil sa katuwiran: sapagka't kanila ang kaharian ng langit.
Read full chapter
Mateo 10:7
Ang Biblia (1978)
7 At samantalang kayo'y nangaglalakad, ay magsipangaral kayo, na mangagsabi, (A)Ang kaharian ng langit ay malapit na.
Read full chapter
Marcos 1:15
Ang Biblia (1978)
15 At sinasabi, Naganap na (A)ang panahon, at malapit na (B)ang kaharian ng Dios: kayo'y mangagsisi, at magsisampalataya sa evangelio.
Read full chapterAng Biblia Copyright © Philippine Bible Society 1905, 1915, 1933, 1978