Daniel 10:13
Ang Biblia (1978)
13 Nguni't ang prinsipe ng kaharian ng Persia ay nakipagpunyagi sa akin na dalawang pu't isang araw; nguni't, narito, si (A)Miguel ay isa sa mga punong prinsipe, dumating upang tulungan ako: at ako'y natira doon na kasama ng mga hari sa Persia.
Read full chapter
Daniel 10:21
Ang Biblia (1978)
21 Nguni't aking sasaysayin sa iyo ang nakasulat sa kasulatan ng (A)katotohanan: at walang sinomang tutulong sa akin laban sa mga ito, kundi si (B)Miguel na inyong prinsipe.
Read full chapter
Daniel 12:1
Ang Biblia (1978)
Ang tulong ni Miguel sa panahon ng sakuna.
12 At sa panahong yaon ay tatayo si (A)Miguel, na dakilang prinsipe na tumatayo sa ikabubuti ng mga anak ng iyong bayan; at magkakaroon ng panahon ng kabagabagan, (B)na hindi nangyari kailan man mula nang magkaroon ng bansa hanggang sa panahong yaon: at sa panahong yaon ay maliligtas ang iyong bayan, bawa't isa na masusumpungan na nakasulat sa (C)aklat.
Read full chapterAng Biblia Copyright © Philippine Bible Society 1905, 1915, 1933, 1978