Apocalipsis 9:20-21
Ang Biblia (1978)
20 At ang nalabi sa mga tao, na hindi napatay sa mga salot na ito, ay hindi nagsipagsisi sa (A)mga gawa ng kanilang mga kamay, upang huwag sumamba sa mga demonio, (B)at sa mga diosdiosang ginto, at pilak, at tanso, at bato, at kahoy; na hindi nangakakakita, ni nangakaririnig man, ni nangakalalakad man.
21 At sila'y hindi nagsipagsisi sa kanilang mga pagpatay, kahit man sa kanilang panggagaway, kahit man sa kanilang pakikiapid, kahit man sa kanilang pagnanakaw.
Read full chapter
Apocalipsis 16:9
Ang Biblia (1978)
9 At (A)nangasunog ang mga tao sa matinding init: at (B)sila'y namusong sa pangalan ng Dios na may kapangyarihan sa mga salot na ito; (C)at hindi sila nangagsisi upang siya'y (D)luwalhatiin.
Read full chapter
Apocalipsis 16:11
Ang Biblia (1978)
11 At sila'y namusong sa Dios ng langit dahil sa kanilang mga hirap (A)at sa kanilang mga sugat; at hindi sila nangagsisi sa kanilang mga gawa.
Read full chapterAng Biblia Copyright © Philippine Bible Society 1905, 1915, 1933, 1978