2 Mga Hari 14:5
Ang Biblia (1978)
5 At nangyari, pagkatatag ng kaharian sa kaniyang kamay, na kaniyang pinatay ang kaniyang mga lingkod na (A)nagsipatay sa hari na kaniyang ama.
Read full chapter
2 Cronica 24:25-27
Ang Biblia (1978)
25 At nang kanilang lisanin siya, (sapagka't iniwan nila siya sa maraming mga sakit,) (A)ang kaniyang sariling mga lingkod ay nagsipagbanta laban sa kaniya dahil sa dugo ng mga (B)anak ni Joiada na saserdote, at pinatay siya sa kaniyang higaan, at siya'y namatay: at inilibing nila siya sa bayan ni David, (C)nguni't hindi inilibing nila siya sa mga libingan ng mga hari.
26 At ang mga ito ang nagsipagbanta laban sa kaniya; si (D)Zabad na anak ni Simath, na Ammonita, at si Jozabad na anak ni Simrith, na Moabita.
27 Tungkol nga sa kaniyang mga anak, at sa kalakhan ng mga pasang ipinasan sa kaniya, at sa pagtatayong muli ng bahay ng Dios, narito, nakasulat sa (E)kasaysayan ng aklat ng mga hari. At si Amasias na kaniyang anak ay naghari na kahalili niya.
Read full chapterAng Biblia Copyright © Philippine Bible Society 1905, 1915, 1933, 1978