Font Size
Tobit 13:16-17
Magandang Balita Biblia (with Deuterocanon)
Tobit 13:16-17
Magandang Balita Biblia (with Deuterocanon)
16 muling itatayo ang Jerusalem
at dito siya tatahan magpakailanman.
Ako'y magagalak, Jerusalem,
kung may matitira sa aking angkan; kung makikita nila ang iyong kaningningan
at magpupuri sila sa Hari ng kalangitan.
Ang gagamitin sa mga pader mo'y mahalagang bato,
at lantay namang ginto ang mga tore at tanggulan mo.
17 Ang mga lansangan ng lunsod na ito ay lalatagan
ng batong hiyas, ng rubi at ofir na pawang kumikinang.