Pahayag 1:13-15
Magandang Balita Biblia (with Deuterocanon)
13 Nakatayo(A) sa gitna ng mga ilawan ang isang parang anak ng tao na nakasuot ng mahabang damit, at may gintong pamigkis sa kanyang dibdib. 14 Ang(B)(C) kanyang ulo at buhok ay kasimputi ng balahibo ng tupa o ng niyebe, at ang kanyang mga mata'y parang apoy na nagliliyab. 15 Kumikinang(D) ang kanyang mga paa na parang tansong pinakintab, at parang rumaragasang tubig ang kanyang tinig.
Read full chapter
Pahayag 2:18
Magandang Balita Biblia (with Deuterocanon)
Ang Mensahe para sa Iglesya sa Tiatira
18 “Isulat mo sa anghel ng iglesya sa Tiatira:
“Ito ang sinasabi ng Anak ng Diyos na may mga matang parang apoy na nagliliyab at mga paang kumikinang na parang tansong pinakintab.
Read full chapter
Pahayag 19:12
Magandang Balita Biblia (with Deuterocanon)
12 Parang(A) nagliliyab na apoy ang kanyang mga mata, at sa kanyang ulo ay mayroong maraming korona. Nakasulat sa kanya ang isang pangalan niya na siya lamang ang nakakaalam ng kahulugan.
Read full chapter