Mga Awit 34:7
Ang Biblia (1978)
7 (A)Ang anghel ng Panginoon ay (B)humahantong sa buong palibot ng nangatatakot sa kaniya,
At ipinagsasanggalang sila.
Mateo 4:6
Ang Biblia (1978)
6 At sa kaniya'y sinabi, Kung ikaw ang Anak ng Dios, ay magpatihulog ka: sapagka't nasusulat,
(A)Siya'y magbibilin sa kaniyang mga anghel tungkol sa iyo:
at, Aalalayan ka ng kanilang mga kamay,
Baka matisod ka ng iyong paa sa isang bato.
Mateo 18:10
Ang Biblia (1978)
10 Ingatan ninyo na huwag ninyong pawalang halaga ang isa sa maliliit na (A)ito: sapagka't sinasabi ko sa inyo, na ang (B)kanilang mga anghel sa langit ay nangakakakitang palagi ng (C)mukha ng aking Ama na nasa langit.[a](D)(E)
Read full chapterFootnotes
- Mateo 18:10 Sa mga ibang kasulatan ay nakalagay ang talatang ito: 11 Sapagka't ang Anak ng tao ay naparito upang iligtas ang nawala.
Lucas 4:10-11
Ang Biblia (1978)
10 Sapagka't (A)nasusulat,
Siya'y magbibilin sa kaniyang mga anghel tungkol sa iyo, upang ikaw ay ingatan:
11 At,
Aalalayan ka nila ng kanilang mga kamay,
Baka matisod ka ng iyong paa sa isang bato.
Ang Biblia Copyright © Philippine Bible Society 1905, 1915, 1933, 1978