Mga Awit 119:33-34
Ang Biblia (1978)
HE.
33 Ituro mo sa akin, Oh Panginoon, ang daan ng iyong mga palatuntunan;
At aking iingatan hanggang sa wakas.
34 Bigyan mo ako ng pagkaunawa at aking iingatan ang iyong kautusan;
Oo, aking susundin ng aking buong puso.
Mga Awit 119:56
Ang Biblia (1978)
56 Ito ang tinamo ko,
Sapagka't aking iningatan ang mga tuntunin mo.
Mga Awit 119:69
Ang Biblia (1978)
69 Ang palalo ay (A)kumatha ng kabulaanan laban sa akin:
Aking tutuparin ang iyong mga tuntunin ng buong puso ko.
Mga Awit 119:100
Ang Biblia (1978)
100 Ako'y nakakaunawa na (A)higit kay sa may katandaan,
Sapagka't aking iningatan ang mga tuntunin mo.
Mga Awit 119:115
Ang Biblia (1978)
115 (A)Magsihiwalay kayo sa akin, kayong mga manggagawa ng kasamaan;
Upang aking maingatan ang mga utos ng aking Dios.
Mga Awit 119:145
Ang Biblia (1978)
COPH.
145 Ako'y tumawag ng aking buong puso; sagutin mo ako, Oh Panginoon:
Iingatan ko ang iyong mga palatuntunan.
Ang Biblia Copyright © Philippine Bible Society 1905, 1915, 1933, 1978