Mateo 28:17
Ang Biblia (1978)
17 At nang siya'y kanilang makita, ay kanilang sinamba siya; datapuwa't ang ilan ay nangagalinlangan.
Read full chapter
Marcos 16:14
Ang Biblia (1978)
14 At pagkatapos (A)siya'y napakita sa labingisa samantalang sila'y nangakaupong nagsisikain; at pinagwikaan sila sa kawalan nila ng pananampalataya at katigasan ng puso, (B)sapagka't hindi sila nagsipaniwala sa nangakakita sa kaniya pagkatapos na siya'y magbangon.
Read full chapter
Lucas 24:36
Ang Biblia (1978)
36 At (A)samantalang kanilang pinaguusapan ang mga bagay na ito, siya rin ay tumayo sa gitna nila, at sa kanila'y nagsabi, Kapayapaa'y suma inyo.
Read full chapter
Juan 20:19
Ang Biblia (1978)
19 Nang kinahapunan nga, nang araw na yaon, (A)na unang araw ng sanglinggo, at nang nangapipinid ang mga pintong kinaroroonan ng mga alagad, dahil sa katakutan sa mga Judio ay dumating si Jesus at tumayo sa gitna, at sa kanila'y sinabi, (B)Kapayapaan ang sumainyo.
Read full chapter
Juan 20:26
Ang Biblia (1978)
26 At pagkaraan ng walong araw ay muling nasa loob ng bahay ang kaniyang mga alagad, at kasama nila si Tomas. Dumating si Jesus, nang nangapipinid (A)ang mga pinto, at tumayo sa gitna, at sinabi, Kapayapaan ang sumainyo.
Read full chapter
Juan 21:1
Ang Biblia (1978)
21 Pagkatapos ng mga bagay na ito ay napakitang muli si Jesus sa mga alagad sa tabi ng dagat ng Tiberias; at siya'y napakita sa ganitong paraan.
Read full chapter
Juan 21:14
Ang Biblia (1978)
14 Ito'y (A)ang ikatlong pagpapakita ni Jesus sa mga alagad, pagkatapos na siya'y magbangon sa mga patay.
Read full chapter
1 Corinto 15:5-7
Ang Biblia (1978)
5 At siya'y (A)napakita kay (B)Cefas, (C)at saka sa labingdalawa;
6 Pagkatapos ay napakita sa mahigit na limang daang kapatid na paminsan, na ang karamihan sa mga ito'y nangabubuhay hangga ngayon, datapuwa't ang mga iba'y (D)nangatulog na;
7 Saka napakita kay Santiago; at saka (E)sa lahat ng mga apostol;
Read full chapterAng Biblia Copyright © Philippine Bible Society 1905, 1915, 1933, 1978