Mateo 26:14-16
Magandang Balita Biblia (with Deuterocanon)
Nakipagkasundo si Judas na Ipagkanulo si Jesus(A)
14 Si Judas Iscariote, isa sa Labindalawa, ay nakipagkita sa mga punong pari. 15 “Ano(B) po ang ibibigay ninyo sa akin kung tulungan ko kayong madakip si Jesus?” tanong niya. Noon di'y binayaran nila si Judas ng tatlumpung pirasong pilak. 16 Mula noon, humanap na si Judas ng pagkakataon upang maipagkanulo si Jesus.
Read full chapter
Lucas 22:3-6
Magandang Balita Biblia (with Deuterocanon)
Nakipagkasundo si Judas sa mga Kaaway ni Jesus(A)
3 Noon(B) nama'y pumasok si Satanas kay Judas, na tinatawag na Iscariote, na kabilang sa Labindalawa. 4 Kaya't nakipagkita siya sa mga punong pari at sa mga pinuno ng bantay sa Templo upang kanilang pag-usapan kung paano niyang maipagkakanulo si Jesus. 5 Natuwa sila at pumayag na babayaran si Judas ng salapi. 6 Nakipagkasundo siya, at mula noo'y humanap na siya ng pagkakataong maipagkanulo si Jesus nang hindi namamalayan ng mga tao.
Read full chapter