Levitico 3:3-5
Ang Biblia (1978)
3 At kaniyang ihahandog hinggil sa haing mga handog tungkol sa kapayapaan, na pinaka handog sa Panginoon na pinaraan sa apoy; (A)ang tabang nakatatakip ng lamang loob at lahat ng tabang nasa ibabaw ng lamang loob,
4 At ang dalawang bato at ang tabang nasa ibabaw ng mga yaon, ang nasa siping ng mga balakang, at ang lamad na nasa ibabaw ng atay ay kaniyang aalisin na kalakip ng mga bato.
5 At (B)susunugin ng mga anak ni Aaron sa dambana, sa ibabaw ng handog na susunugin na nasa ibabaw ng kahoy na nakapatong sa apoy; handog ngang pinaraan sa apoy, na pinakamasarap na amoy sa Panginoon.
Read full chapter
Levitico 3:16
Ang Biblia (1978)
16 At mga susunugin ng saserdote sa ibabaw ng dambana; pagkaing handog nga na pinaraan sa apoy na pinakamasarap na amoy: (A)lahat ng taba ay sa Panginoon.
Read full chapter
Levitico 7:23
Ang Biblia (1978)
23 Iyong salitain sa mga anak ni Israel, na sabihin, (A)Huwag kayong kakain ng taba ng baka, ng tupa, o ng kambing.
Read full chapter
Levitico 7:25
Ang Biblia (1978)
25 Sapagka't sinomang kumain ng taba ng hayop na yaon na inihahandog ng mga tao sa Panginoon, na handog na pinaraan sa apoy, ay ihihiwalay sa kaniyang bayan ang taong kumain.
Read full chapter
Levitico 7:31
Ang Biblia (1978)
31 (A)At susunugin ng saserdote ang taba sa ibabaw ng dambana: (B)datapuwa't ang dibdib ay mapapasa kay Aaron at sa kaniyang mga anak.
Read full chapterAng Biblia Copyright © Philippine Bible Society 1905, 1915, 1933, 1978