Levitico 27:28-29
Ang Biblia (1978)
28 (A)Gayon ma'y walang bagay na itinalaga, na itatalaga ninoman sa Panginoon, sa lahat ng sariling kaniya, maging sa tao o sa hayop, o sa bukid na kaniyang pagaari, ay maipagbibili o matutubos: bawa't bagay na itinalaga ay kabanalbanalan sa Panginoon.
29 (B)Walang itinalaga na itatalaga ng mga tao, ay matutubos: papataying walang pagsala.
Read full chapter
Josue 6:17
Ang Biblia (1978)
17 At ang bayan ay (A)matatalaga sa Panginoon, yaon at ang lahat na tumatahan doon: si Rahab na patutot lamang ang mabubuhay, siya at ang lahat na kasama niya sa bahay, sapagka't kaniyang (B)ikinubli ang mga sugo na ating sinugo.
Read full chapter
Josue 6:21
Ang Biblia (1978)
21 At kanilang lubos na nilipol ng talim ng tabak ang (A)lahat na nasa bayan, ang lalake at gayon din ang babae, ang binata at gayon din ang matanda, at ang baka, at ang tupa, at ang asno.
Read full chapterAng Biblia Copyright © Philippine Bible Society 1905, 1915, 1933, 1978