Genesis 22:2
Ang Biblia, 2001
2 At(A) kanyang sinabi, “Kunin mo ngayon ang iyong anak, ang iyong kaisa-isang anak na si Isaac, na iyong minamahal at pumunta ka sa lupain ng Moria. Ialay mo siya bilang handog na susunugin sa itaas ng isa sa mga bundok na aking sasabihin sa iyo.”
Read full chapter
Mga Awit 2:7
Ang Biblia, 2001
7 Aking(A) sasabihin ang tungkol sa utos ng Panginoon:
Sinabi niya sa akin, “Ikaw ay aking anak,
sa araw na ito kita ay ipinanganak.
Isaias 42:1
Ang Biblia, 2001
Ang Lingkod ng Panginoon
42 Narito(A) (B) ang aking lingkod, na aking inaalalayan;
ang aking hinirang, na kinalulugdan ng aking kaluluwa.
Inilagay ko ang aking Espiritu sa kanya;
siya'y maglalapat ng katarungan sa mga bansa.
Mateo 3:17
Ang Biblia, 2001
17 Sinabi(A) ng isang tinig mula sa langit, “Ito ang minamahal kong Anak, sa kanya ako lubos na nalulugod.”
Read full chapter
Mateo 12:18
Ang Biblia, 2001
18 “Narito(A) ang lingkod ko na aking hinirang,
ang minamahal ko na kinalulugdan ng aking kaluluwa.
Ilalagay ko sa kanya ang aking Espiritu,
at ipahahayag niya ang katarungan sa mga Hentil.
Marcos 1:11
Ang Biblia, 2001
11 At(A) may isang tinig na nagmula sa langit, “Ikaw ang minamahal kong Anak, sa iyo ako lubos na nalulugod.”
Read full chapter
Lucas 3:22
Ang Biblia, 2001
22 At(A) bumaba sa kanya ang Espiritu Santo na may anyong katawan na tulad sa isang kalapati. May isang tinig na nagmula sa langit, “Ikaw ang pinakamamahal kong Anak, sa iyo ako lubos na nalulugod.”
Read full chapter
Deuteronomio 18:15
Ang Biblia, 2001
Ang Pangako na Magsusugo ng Propeta
15 “Palilitawin(A) ng Panginoon mong Diyos para sa iyo ang isang propeta na gaya ko mula sa iyong sariling mga kapatid. Sa kanya kayo makikinig.
Read full chapter