Genesis 18:19
Ang Biblia (1978)
19 Sapagka't siya'y aking kinilala, upang (A)siya'y magutos sa kaniyang mga anak at sa kaniyang sangbahayan pagkamatay niya, na maingatan nila ang daan ng Panginoon, na gumawa ng kabanalan, at kahatulan; upang padatnin ng Panginoon, kay Abraham ang kaniyang ipinangako tungkol sa kaniya.
Read full chapter
Deuteronomio 6:7
Ang Biblia (1978)
7 At (A)iyong ituturo ng buong sikap sa iyong mga anak, at iyong sasalitain tungkol sa kanila pagka ikaw ay nakaupo sa iyong bahay, at pagka ikaw ay lumakad sa daan, at pagka ikaw ay nahihiga at pagka ikaw ay bumabangon.
Read full chapter
Deuteronomio 11:19
Ang Biblia (1978)
19 (A)At inyong ituturo sa inyong mga anak, na inyong sasalitain sa kanila, pagka ikaw ay nauupo sa iyong bahay, at pagka ikaw ay lumalakad sa daan, at pagka ikaw ay nahihiga, at pagka ikaw ay bumabangon.
Read full chapter
Mga Awit 78:5
Ang Biblia (1978)
5 Sapagka't siya'y nagtatag ng (A)patotoo sa Jacob,
At nagtakda ng kautusan sa Israel,
Na kaniyang iniutos sa aming mga magulang,
Na kanilang ipabatid sa kanilang mga anak:
Efeso 6:4
Ang Biblia (1978)
4 At, (A)kayong mga ama, huwag ninyong ipamungkahi sa galit ang inyong mga anak: kundi (B)inyong turuan sila ayon sa saway at (C)aral ng Panginoon.
Read full chapterAng Biblia Copyright © Philippine Bible Society 1905, 1915, 1933, 1978