Genesis 14:19
Ang Biblia (1978)
19 At binasbasan niya siya na sinabi, Pagpalain si Abram ng Kataastaasang Dios, na (A)may-ari ng langit at ng lupa:
Read full chapter
Mga Hukom 17:2
Ang Biblia (1978)
2 At sinabi niya sa kaniyang ina, Ang isang libo at isang daang putol na pilak na kinuha sa iyo, na siyang ikinapagtungayaw mo, at sinalita mo rin sa aking mga pakinig, narito, ang pilak ay nasa akin; aking kinuha. At sinabi ng kaniyang ina, Pagpalain nawa ng (A)Panginoon ang aking anak.
Read full chapter
Ruth 3:10
Ang Biblia (1978)
10 At kaniyang sinabi, (A)Pagpalain ka nawa ng Panginoon, anak ko: ikaw ay nagpakita ng higit na kagandahang loob sa huli kay sa ng una, sa hindi mo pagsunod sa mga bagong tao maging sa dukha o sa mayaman.
Read full chapter
2 Samuel 2:5
Ang Biblia (1978)
5 At nagsugo ng mga sugo si David sa mga lalake sa Jabes-galaad, at sinabi sa kanila, (A)Pagpalain nawa kayo ng Panginoon, na kayo'y nagpakita ng kagandahang loob na ito sa inyong panginoon, sa makatuwid baga'y kay Saul, at inyong inilibing siya.
Read full chapter
Job 29:13
Ang Biblia (1978)
13 Ang basbas ng malapit nang mamamatay ay sumaakin:
At aking pinaawit sa kagalakan ang puso ng babaing bao.
Ang Biblia Copyright © Philippine Bible Society 1905, 1915, 1933, 1978