Ezra 5:1-2
Ang Biblia (1978)
Si Tatnai ay sumulat kay Dario.
5 Ang mga propeta nga, si (A)Haggeo na propeta, at si (B)Zacharias na anak ni Iddo, ay nanghula sa mga Judio na nasa Juda at Jerusalem; sa pangalan ng Dios ng Israel ay nagsipanghula sila sa kanila;
2 Nang magkagayo'y bumangon si Zorobabel na anak ni Sealthiel, at si Jesua na anak ni Josadach, at pinasimulang itinayo ang bahay ng Dios na nasa Jerusalem; at kasama nila ang mga propeta ng Dios, na nagsisitulong sa kanila.
Read full chapter
Ezra 6:14
Ang Biblia (1978)
14 At ang mga matanda ng mga Judio ay nangagtayo at nangapasulong, ayon sa hula ni Haggeo na propeta at ni Zacarias na anak ni Iddo. At kanilang itinayo at niyari, ayon sa utos ng Dios ng Israel, at ayon sa pasiya ni (A)Ciro at ni (B)Dario, at ni (C)Artajerjes na hari sa Persia.
Read full chapter
Zacarias 8:9
Ang Biblia (1978)
9 Ganito ang sabi ng Panginoon ng mga hukbo, (A)Inyong palakasin ang inyong mga kamay, ninyong nangakakarinig sa mga araw na ito ng mga salitang ito sa bibig ng (B)mga propeta, mula nang araw na ilagay ang tatagang-baon sa bahay ng Panginoon ng mga hukbo, sa templo, upang matayo.
Read full chapterAng Biblia Copyright © Philippine Bible Society 1905, 1915, 1933, 1978