Exodo 16:6-7
Ang Biblia (1978)
6 At sinabi ni Moises at ni Aaron sa lahat ng mga anak ni Israel, Sa kinahapunan, ay inyong malalaman, na ang Panginoon ay siyang naglabas sa inyo sa lupain ng Egipto.
7 At sa kinaumagahan, ay inyo ngang makikita (A)ang kaluwalhatian ng Panginoon; sapagka't kaniyang naririnig ang inyong mga pagupasala laban sa Panginoon: (B)at ano kami, na inyo kaming inuupasala?
Read full chapter
Exodo 13:21
Ang Biblia (1978)
21 (A)At ang Panginoon ay nangunguna sa kanila sa araw, sa isang haliging ulap, upang patnubayan sila sa daan; at sa gabi, ay sa isang haliging apoy, upang tanglawan sila; upang sila'y makapaglakad sa araw at sa gabi.
Read full chapter
Exodo 14:24
Ang Biblia (1978)
24 At nangyari, sa (A)pagbabantay sa kinaumagahan, na minasdan ng Panginoon ang hukbo ng mga Egipcio sa gitna ng haliging apoy at ulap, at niligalig ang hukbo ng mga Egipcio.
Read full chapter
Mga Bilang 16:19
Ang Biblia (1978)
19 At pinisan ni Core ang buong kapisanan laban sa kanila sa pintuan ng tabernakulo ng kapisanan: at ang (A)kaluwalhatian ng Panginoon ay lumitaw sa buong kapisanan.
Read full chapter
1 Mga Hari 8:10-11
Ang Biblia (1978)
10 At nangyari, nang ang mga saserdote ay magsilabas sa dakong banal, na (A)napuno ng ulap ang bahay ng Panginoon.
11 Na anopa't ang mga saserdote ay hindi makatayo upang mangasiwa dahil sa ulap: sapagka't napuno ng kaluwalhatian ng Panginoon ang bahay ng Panginoon.
Read full chapterAng Biblia Copyright © Philippine Bible Society 1905, 1915, 1933, 1978