Daniel 4:17
Ang Biblia (1978)
17 Ang hatol ay sa pamamagitan ng pasiya ng (A)mga bantay, at ang utos ay sa pamamagitan ng salita ng mga banal; (B)upang makilala ng mga may buhay (C)na ang Kataastaasan ay nagpupuno sa kaharian ng mga tao, at ibinibigay niya ito sa kanino mang kaniyang ibigin, at itinataas niya sa kaniya ang pinakamababa sa mga tao.
Read full chapter
Daniel 4:23
Ang Biblia (1978)
23 At yamang nakita ng hari ang isang bantay at isang banal na bumababa mula sa langit, at nagsasabi, Ibuwal ninyo ang punong kahoy, at inyong lipulin; gayon ma'y itira ninyo ang tuod ng mga ugat niyaon sa lupa na magkatali ng bakal at tanso, sa murang damo sa parang, at bayaang mabasa siya ng hamog ng langit, at makasalo siya ng mga hayop sa parang, hanggang sa mangyari sa kaniya na makapito;
Read full chapter
Mga Awit 103:20
Ang Biblia (1978)
20 (A)Purihin ninyo ang Panginoon, ninyong mga anghel niya:
Ninyong makapangyarihan sa kalakasan na gumaganap ng kaniyang salita,
Na nakikinig sa tinig ng kaniyang salita.
Ang Biblia Copyright © Philippine Bible Society 1905, 1915, 1933, 1978