2 Mga Hari 25:25
Ang Biblia (1978)
25 Nguni't nangyari (A)nang ikapitong buwan, na si Ismael na anak ni Nathanias, na anak ni Elisama, na mula sa lahing hari, at sangpung lalake na kasama niya, ay naparoon, at sinaktan si Gedalias, na anopa't namatay, at ang mga Judio at ang mga Caldeo, na mga kasama niya sa Mizpa.
Read full chapter
Jeremias 41:1-2
Ang Biblia (1978)
Pinatay ni Ismael si Gedalias, at kinuhang bihag ang mga nanahanan sa Mizpa.
41 Nangyari nga, (A)nang ikapitong buwan, (B)na si Ismael na anak ni Nethanias, na anak ni Elisama, na lahing hari, at isa sa mga punong oficial ng hari, at sangpung lalake na kasama niya, ay nagsiparoon kay Gedalias na anak ni Ahicam sa Mizpa; at doo'y magkasama silang nagsikain ng tinapay sa Mizpa.
2 Nang magkagayo'y tumindig si Ismael na anak ni Nethanias, at ang sangpung lalake na kasama niya, at sinugatan ng tabak, si Gedalias na anak ni Ahicam na anak ni Saphan, at pinatay siya, (C)na ginawang tagapamahala sa lupain ng hari sa Babilonia.
Read full chapterAng Biblia Copyright © Philippine Bible Society 1905, 1915, 1933, 1978