Font Size
1 Mga Hari 12:15-16
Ang Biblia (1978)
1 Mga Hari 12:15-16
Ang Biblia (1978)
15 Sa gayo'y hindi dininig ng hari ang bayan; sapagka't (A)bagay na buhat sa Panginoon upang kaniyang itatag ang kaniyang salita, (B)na sinalita ng Panginoon sa pamamagitan ng kamay ni Ahias na Silonita kay Jeroboam na anak ni Nabat.
Nanghimagsik ang Israel.
16 At nang makita ng buong Israel na hindi sila dininig ng hari, ay sumagot ang bayan sa hari, na nagsasabi, (C)Anong bahagi mayroon kami kay David? at wala man kaming mana sa anak ni Isai: sa iyong mga tolda, Oh Israel: ngayon ikaw ang bahala ng iyong sariling sangbahayan, David. Sa gayo'y yumaon ang Israel sa kanikaniyang tolda.
Read full chapter
Ang Biblia (1978) (ABTAG1978)
Ang Biblia Copyright © Philippine Bible Society 1905, 1915, 1933, 1978