1 Cronica 20:7
Ang Biblia (1978)
7 At nang kaniyang hamunin ang Israel, pinatay siya ni Jonathan na anak ni (A)Sima na kapatid ni David.
Read full chapter
2 Samuel 21:18-22
Ang Biblia (1978)
18 (A)At nangyari, pagkatapos nito, na nagkaroon uli ng pakikidigma sa mga Filisteo sa Gob; nang magkagayo'y sinaktan ni (B)Sibechai na Husathita si Saph, na sa mga (C)anak ng higante.
19 At nagkaroon uli ng pakikidigma sa mga Filisteo sa Gob; at pinatay ni Elhanan na anak ni Jaare-oregim, na Bethlehemita, si Goliath na Getheo, (D)na ang puluhan ng kaniyang sibat ay gaya ng panghabi ng manghahabi.
20 At nagkaroon uli ng pakikipagbaka sa (E)Gath, na doo'y may isang lalaking lubhang mataas, na mayroon sa bawa't kamay na anim na daliri, at sa bawa't paa'y anim na daliri, na dalawang pu't apat sa bilang: at siya ay ipinanganak din sa higante.
21 At nang kaniyang hamunin[a] ang Israel, ay pinatay siya ni Jonathan na anak ni (F)Sima na kapatid ni David.
22 Ang apat na ito ay ipinanganak sa higante sa Gath; nangabuwal sa pamamagitan ng kamay ni David, at ng kamay ng kaniyang mga lingkod.
Read full chapterFootnotes
- 2 Samuel 21:21 o tungayawin. 1 Sam. 17:10, 25, 26, 36, 45.
Ang Biblia Copyright © Philippine Bible Society 1905, 1915, 1933, 1978